2017 Nostalgia

2017... Panibagong taon na naman sigurado marami na namang maglalabasang bago. Bagong brand ng appliances at kotse, bagong version ng cellphones, pc, notebook, at applications/softwares, bagong sikat na kanta, artista, gossip, columns, etc...
At heto na naman tayo at magkakandarapa sa paghabol sa latest na gadget. Manlulupaypay na naman tayo dahil yung bago last year (sapatos, damit, kagamitan, etc…) Ay biglaan na lang nagmukhang luma o kaya ay bago pa rin pero bigla kang magsasawa. Kaya minsan ay napag-isip-isip ko, ang bagong taon ba ay pag-unlad ng tao o pag-unlad ng mga negosyong nagsasamantala sa tao? Siyempre maaring sabihin mo na “business is business” & “marketing is marketing”. Oo naiintindihan ko 'yan pero... PAG-UNLAD NGA BA TALAGA?
Noong mga nakaraang mga taon kahit hindi puno ang lamesa sa noche buena ay punong puno naman ng saya! Hindi tulad ngayon halos wala ng mapaglagyan ng pagkain sa table pero pagmasdan mo at halos lahat nakatutok sa kani-kanilang cellphones or tablet habang lumalamig ang nagsasarapang ulam sa hapag-kainan.
Gusto mong mag-hang-out? Tawagan mo ang mga barkada mo este i-messenger mo! este i-whatsApps mo! este i-instagram, i-tweeter mo kaya, o snapchat mo! Buset! Noong panahon namin dumungaw ka lang sa bintana at sumigaw ng “Pare, labas tayo!” o kaya naman, “basket tayo!” Solve ka na!
Tapos magkikita kayo para magsama-sama sa McDonald o kung saan mang lupalop niyong maisipang mag-hang-out. Sa 1 oras na pagkikita 20 minutes lang kayong nagkwentuhan dahil 'yong buong oras ng bawat isa ay nakatutok sa smartphone.
Wala rin kayong mapagkwentuhan dahil bawat moment ay nai-post na sa fb, at wala na ring excitement ang kuwento, dahil lahat ng mga lugar na pinasyalan ay nai-posts na.
Nauso na rin yung mga like-like na yan sa fb! Meron akong mga kaibigan na nagtampo sa akin kasi hindi ko nilike yung pinsan ng kapitbahay na kaibigan ng kumare nila na sumali sa beauty contest...hay naku! Unang-una kaya nga like ang tawag dun kasi dapat yung isang bagay o tao o lugar gusto mo para mai-like eh hinde eh! Kahit hindi mo gusto i-like mo kasi sabi ni ano! Anebeyern! Kaya ako in general hindi ako sumasali sa mga like contests.
Isa pang trending ngayon ay yung followers, noong una kapag may lumabas na bata sa kalsada after 30 minutes puno na ang daan ng mga batang naglalaro. Kapag nagkayayaang maglakwatsa ang mga magkaka-klase sa eskwela... kuyog-kuyog na yan!
Ngayon ang kuyog-kuyog, online na! Kahit ikaw ang pinaka-depress at nag-iisang nilalang sa mundo basta follower ka ni Justine Bieber or Alessandro D’Avenia ok na! Anebeyern!
Marami pa akong napapansin na mga Anebeyern reactions tungkol sa bagong taon pero titigil muna ako dito, para makapag-isip-isip ng kaunti kung ang taon lang ang nagbagbago at hindi ang buhay.
Ika nga sa awit--
“Bagong taon ay magbagong buhay nang lumigaya ang ating bayan”
Ang kasagutan naman sa katanungang ito ay nabanggit din sa awitin--
“Tayo’y magsikap upang makamtan natin ang kasaganaan!”


















Comments